Pamantayan sa Pagmamarka - sanaysay

BALANGKAS

Paksa: Kabataan

I. Kahalagahan ng kabataan para sa bansa 

a. Ano ang mga kabuluhan ng mga kabataan para sa bansa
b. Ano ang maitutulong ng mga kabataan sa bansa 

II. Mga kabataan ngayon 

a. Madaling naiimpluwensyahan ng teknolohiya
b. Mas nagpapahayag ng sariling pag-iisip 

III. Mga kabataan noon 

a. Taimtim sa kanilang mga gawain
b. Pinapahalagahan ang pamilya

SANAYSAY

Ang kabataan ay binibigyan halaga ng ating bansa. Sila ang sinasagisag ng mga Pilipino na magpapaunlad ng ating bansa para sa mga susunod na henerasyon. Ang kabataan ang magbibigay ng kinabukasan sa lahat ng mga Pilipino, kaya naman lubos pinapahalagahan ang edukasyon ng mga ito upang ihasa ang kanilang mga kaisipan at gawi. Makakatulong ang kabataan di lamang sa mapanatiling maayos at malinis ang ating kapaligiran, bilang isang kabataan makakatulong din ang mga ito sa lipunan, bukod sa pamamagitan ng pagsunod sa mga alintuntunin ng bansa ay may kakayahan din sila na mapaunlad ito.

Sa panahon ngayon, ang mga kabataan ay nakakalimot na sa mga kaugaliang Pilipino. Kapansin-pansin ang unti-unting pagbabago ng mga kabataan sa panahon natin ngayon na lubos naiimpluwensyahan ng teknolohiya at ng mga nakikita ng mga ito sa internet. Ang mga kabataan ngayon ay nawalan na ng nakaugaliang pag respeto sa mga nakakatanda tulad ng simpleng pagmamano. Bukod pa rito sila ay natututo nang magpahayag ng kanilang sariling pag-iisip o opinyon, hindi ito masama dahil ang isang tao na bukas ang pag-iisip ay nakikinig at lubos din na umuunawa. Pero may mga kabataan na ginagamit ang kanilang bukas na pag-iisip para lamang sa kanilang sariling kapakanan at kagustuhan. May mga maganda naman maidudulot ang pagiging bukas na pag-iisip ng mga kabataan, dahil sila din ang magiging boses para maitama ang mga nakatatanda sa kanilang mga pagkakamali. Kaya naman lubos na pinapahalagahan ng mga Pilipino ang edukasyon ng bawat kabataan, upang sila ay magabayan sa tamang landas at kaugaliang maging mahusay sa pakikipagkapwa tao. Ang mga kabataan noon ay taimtim sa kanilang mga ginagawa, may respeto sa kapwa at maka-Diyos. Malaki ang pinag bago sa kaisipan, kilos, at gawi ng mga kabataan ngayon. Noon ang kabataan ay masunurin sa kanilang mga magulang at matulungin sa kapwa. May disiplina sa sarili at lubos na sumusunod sa mga magagandang asal at sa itinuro sakanila ng mga nakakatanda. Lubos din pinapahalagahan ng mga kabataan noon ang kanilang mga pamilya at nirerespeto ang kanilang mga magulang. Tinutulungan nila ang kanilang mga magulang sa mga gawaing bahay at sinisigurado nila na sila ay may naidudulot na maganda sa kanilang mga ginagawa para iahon ang kanilang mga magulang sa kalagayan nila sa buhay. Sa panahon ngayon ang mga kabataan ay makasarili, mabisyo at mga matitigas ang mga ulo.

Ngunit gayon paman ang malaking pinagkaiba ng mga kabataan noon at ngayon sila pa rin ang bukod tangi na kinikilala bilang pag-asa ng ating bansa. Kahit na madaming iba’t ibang hadlang sa kanilang pagpapaunlad sa kanilang kaisipan, kilos at gawi, ang mga kabataan pa rin ang silang magpapaunlad ng ating bansa at magbibigay ng magandang kinabukasan para sa mga sumusunod na henerasyon. Tulad ng pagbibigay tiwala ng mga naunang tao, bigyan din natin ng tiwala ang mga kabataan ngayon para maipakita nila na kahit iba ang kanilang nakaugalian ay mayroon din sila kakayahan upang mapaunlad ang ating bansa.

Comments