Pagbibigay Interpretasyon sa Grap, Tsart at Iba Pang Biswal na Pantulong

 Implikasyon ng Pandemya sa Pang-Akademikong Performans ng mga Mag-aaral 

Introduksyon 

            Edukasyon ay mahalaga sa bawat tao o mag-aaral, ngunit sa pagkakaroon ng pandemya sa panahong ito, madami ang naapektuhan kabilang ang performans ng mga mag-aaral. Dito ay tatalakayin ang kabuuang porsyento ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa bawat asignatura at ang mga salik na nakakaapekto sa kanilang pag-aaral. 

Talahanayan Bilang 1


                Makikita sa Pie Chart na ito ang kasarian ng mga kalahok sa pag-aaral tungkol sa Implikasyon ng Pandemya sa Pang-Akademikong Performans ng mga Mag-aaral. Ang mga kalahok na babae ay may bilang na apatnapu’t lima (45) o kalahating bahagdan (50%) at ang mga lalake naman ay apatnapu’t lima (45) din o kalahating bahagdan (50%).

Talahanayan Bilang 2


                Maraming kabataan ang natatakot magsalita sa wikang Ingles kung kaya hindi nakapagtataka na English ang may pinakamababa sa mga nasabing asignatura na may 67. 612%. Habang ang asignaturang Matematika ang pumapangalawa sa may pinakamababa na may 68.543%, sumunod ang Science na may 69.301%, pang-apat ang Filipino na may 70.346%, sumunod ang Araling Panlipunan, 71.981%, TLE na may 73.245%, Edukasyon sa Pagpapakatao na may 74.745%. Samantalang ang Music, Arts, Physical Education, and Health o MAPEH naman ang may pinakamataas na porsyento na may 77.788%.

Talahanayan Bilang 3


                  Nakatala sa Bar graph na ito ang mga impornmasyon patungkol sa labing tatlo (13) na salik na nakakaapekto sa pag-aaral ng mga kalahok. Makikita dito na ang may pinakamataas na bilang ay ang kawalan ng Internet Connection na may bilang na 4.59. Pangalawa sa mataas naman ay ang kakulangan ng mga impormasyon sa modyul na may bilang na 4.58. Pangatlong may pinakamataas na may bilang na 4.57 ay ang kakulangan sa gadgets. Pagkakaroon naman ng malubhang sakit ang may pinakamababang bilang na may 1.54. Ang mga natitirang salik naman ay magkakalapit lamang na resulta.

KONLUSYON 

                   Batay sa mga nakalap na impormasyon pinababa ng pandemyang ito ang pagkatuto ng mga mag-aaral lalo na ng mga estuyante na kinakapos sa pinansyal na pangangailangan. Hindi lahat ng estudyante ay kaya makasabay sa “New Normal” kung saan halos lahat ay nangangailangan ng internet upang makapagpasa ng mga aktibidad o assignments. Mapababae man o lalaki, lahat apektado sa malaking pagbabagong ito. Ayon sa datos ay mas nahahasa o mas nabibigyan ng atensyon ng mga kabataang ito ang mga aktibidad na magagamitan ng kanilang mga talento at pagkilala sa sarili kumpara sa mga asignaturang nangangailangan ng pagsasa-ulo. Marahil dahil mas nabibigyan nila ang oras ang kanilang sarili ngayon kumpara sa dating uri ng edukasyon. Batay din sa datos, ang pinaka naging dahilan ng pagbaba ng mga porsyento ng mga kalahok ay dahil sa kawalan ng internet connection. Sa kabuuan, malaki ang naging epekto sa pang-akademikong performans ng mga mag-aaral dahil sa pandemyang ito. 



PANGKAT E: 

Austria, Julius
Desuyo, John Wilson
Genil, Shainely
Landicho, Mary Gwyneth
Medalla, Carl Jasper
Pan, Sherie Ann
Perez, Wendell Keith
Salvanera, Carmela Joy

Comments

Popular posts from this blog

Pamantayan sa Pagmamarka - sanaysay