Tekstong Argumentatibo

Argumento: Sang-ayon ka ba sa pananakop ng Russia sa Ukraine? Ano ang epekto ng digmaan sa mundo ng engineering?

            Sa kasalukuyang panahon ay patuloy pa rin ang pag-atake ng Russia sa Ukraine. Nag simula ito sa kadahilanan ng Russia na ramdam ng bansa nila na banta raw ang Ukraine sakanila. Sa dalawang digmaang pandaigdig na noong naganap, nakita natin at mulat tayo sa mga maaaring mangyari pag sumali ang ibang bansa sa digmaang ito, na maaaring maging sanhi ng ikatatlong digmaang pandaigdig. Pero ano nga ba ang Ukraine para sa Russia at ano nga ba ang nasa likod ng pananakop na ito?

            Sa paglipas ng mga siglo, ang Russia, Poland, Austro-Hungarian Empires at Lithuania ay may hurisdiksyon sa Ukraine, na unang nagpahayag ng modernong kalayaan noong 1917. Hindi nagtagal ay binawi ng Russia ang kontrol sa Ukraine, na naging bahagi ng bagong tatag na Soviet Union at nagpapanatili ng kapangyarihan sa rehiyon hanggang sa ikalawang digmaang pandaigdig, nang sumalakay ang Germany. Kaya naman inumpisahan ng Russia ang kasalukuyang salungatan na ito sa Ukraine at patuloy na pananakop, dahil noong nagaganap ang ikalawang digmaang pandaigdig, habang sakop ng Germany ang Ukraine, may ilang Ukrainian na nakipag-isa sa mga Nazi, na tinuring nilang mga tagapagligtas mula sa pang-aapi ng Soviet Union. Ang kasalukuyang namumuno sa Russia na si Putin, pinag bibintangan na ang pinuno ng Ukraine ay bahagi ng mga Nazis. Kaya naman inaatake niya ito, dahil tinukoy ni Putin ang mga nasyonalistang Ukrainian sa paglilingkod sa kanyang sariling pampulitikang agenda ng pagpapakita ng mga modernong Ukrainians bilang mga Nazi at tinuturi niya ang bansang ito bilang isang bansang Nazi dahil sa pag ungkat niya ng nakaraan. Ako ay hindi sang-ayon sa pananakop ng Russia sa Ukraine. Unang-una sa lahat ang pagsisimula ng isang digmaan ng dalawang bansa ay maaaring maging sanhi at panimula ng isang bagong digmaan pandaigdig tulad ng mga nangyari noong sinaunang panahon. Madaming inosenteng tao ang madadamay dahil lamang sa kagustuhan at pagiging makasarili ng isang tao. Hindi sapat ang kanilang rason para umpisahan ang pananakop sa Ukraine. Dahil lamang hinatulan ni Putin ang mga pinunong pampulitika ng Ukrainians bilang mga Nazi, inumpisahan na niya ang pambobomba sa pinakamalalaking lungsod ng Ukraine, kung saan maraming inosenteng tao at kabataan ang naroroon.

            Dapat natin mapanatili ang mundo na tahimik at mapayapa, wag ng balikan ang nakaraan, dahil ang epekto ng isang digmaan ay nakakasira ng buhay ng maraming tao. At ang mga propesyonal na tao na bumubuo ng ating bansa ay gagawa lamang ng masamang kahihinatnan upang maibigay ang mga pangangailangan para sa kanilang mga bansa sa panahon ng digmaan, na kinikilalang mga inhinyero ng labanan. Dapat sila ay bumubuo ng mga imprastraktura ng bansa upang mapasaya ang sambayanan, at hindi mga artilerya o trench na pang digmaan na maaaring sanhi ng pagkuha ng buhay ng maraming tao.

Comments

Popular posts from this blog

Pamantayan sa Pagmamarka - sanaysay