Tula tungkol sa Pulitika

 Pulitika 

Ang botohan ay malapit na dumaan, 

maraming proyekto ang pamahalaan. 

Aayusan kalsada ng ating bayan 

para mabango ang kanilang pangalan. 


Mag sasalita ang mga kandidato. 

Ang ganda naman ng kanilang kwento. 

Sila ay halintulad ng mga bula, 

pagkatapos iboto ay nawawala. 


Mga tao ay kanilang lalapitan, 

kunwari lang aahon sa kahirapan. 

Basta kuha nila ang kapangyarihan, 

kanilang pangako ay kakalimutan.

Comments

Popular posts from this blog

Pamantayan sa Pagmamarka - sanaysay