Posts

Showing posts from April, 2022

Tekstong Prosijural

Image

Tekstong Impormatibo

Image
 Neologismo Sa makabagong panahon, bilang mga tao na may kakayahang makapag-isip at makapagsalita gamit ang wikang pambansa, naging moderno na sa ating henerasyon ang neologismo. Ang neologismo ay mula sa salitang Griyego neo-, “bago” at logos, “salita”. Ito ay paglikha ng mga bagong salita gamit ang mga lumang salita at ginagamit ito upang makabuo ng mas maiksing salita o bagong kahulugan. Tinutukoy din natin ito bilang mga salitang balbal at kolokyal. Ang salitang balbal ay mga salitang nabuo sa impormal na paraan at ginagamit sa isang particular na na grupo ng lipunan tulad ng mga kaibigan. Ayon kay Ki (2020), ang balbal na pananalita ay ang hindi pamantayan o hindi organisadong paggamit ng mga salita na ginagamit ng bawat tao sa ating lipunan lalo na sa ating panahon na halos nakalimutan na ang orihinal na paggamit ng sariling wika. Halimbawa nito ay syota (kasintahan), datung (pera), todas (patay), olats (talo), dekwat (nanakaw), at purita (mahirap). Ang salitang kolokyal

Tekstong Argumentatibo

Argumento: Sang-ayon ka ba sa pananakop ng Russia sa Ukraine? Ano ang epekto ng digmaan sa mundo ng engineering?                Sa kasalukuyang panahon ay patuloy pa rin ang pag-atake ng Russia sa Ukraine. Nag simula ito sa kadahilanan ng Russia na ramdam ng bansa nila na banta raw ang Ukraine sakanila. Sa dalawang digmaang pandaigdig na noong naganap, nakita natin at mulat tayo sa mga maaaring mangyari pag sumali ang ibang bansa sa digmaang ito, na maaaring maging sanhi ng ikatatlong digmaang pandaigdig. Pero ano nga ba ang Ukraine para sa Russia at ano nga ba ang nasa likod ng pananakop na ito?                Sa paglipas ng mga siglo, ang Russia, Poland, Austro-Hungarian Empires at Lithuania ay may hurisdiksyon sa Ukraine, na unang nagpahayag ng modernong kalayaan noong 1917. Hindi nagtagal ay binawi ng Russia ang kontrol sa Ukraine, na naging bahagi ng bagong tatag na Soviet Union at nagpapanatili ng kapangyarihan sa rehiyon hanggang sa ikalawang digmaang pandaigdig, nang s

Pamantayan sa Pagmamarka - sanaysay

BALANGKAS Paksa: Kabataan I. Kahalagahan ng kabataan para sa bansa  a. Ano ang mga kabuluhan ng mga kabataan para sa bansa b. Ano ang maitutulong ng mga kabataan sa bansa  II. Mga kabataan ngayon  a. Madaling naiimpluwensyahan ng teknolohiya b. Mas nagpapahayag ng sariling pag-iisip  III. Mga kabataan noon  a. Taimtim sa kanilang mga gawain b. Pinapahalagahan ang pamilya SANAYSAY Ang kabataan ay binibigyan halaga ng ating bansa. Sila ang sinasagisag ng mga Pilipino na magpapaunlad ng ating bansa para sa mga susunod na henerasyon. Ang kabataan ang magbibigay ng kinabukasan sa lahat ng mga Pilipino, kaya naman lubos pinapahalagahan ang edukasyon ng mga ito upang ihasa ang kanilang mga kaisipan at gawi. Makakatulong ang kabataan di lamang sa mapanatiling maayos at malinis ang ating kapaligiran, bilang isang kabataan makakatulong din ang mga ito sa lipunan, bukod sa pamamagitan ng pagsunod sa mga alintuntunin ng bansa ay may kakayahan din sila na mapaunlad ito. Sa panahon ngayon, ang

Tula tungkol sa Pulitika

 Pulitika  Ang botohan ay malapit na dumaan,  maraming proyekto ang pamahalaan.  Aayusan kalsada ng ating bayan  para mabango ang kanilang pangalan.  Mag sasalita ang mga kandidato.  Ang ganda naman ng kanilang kwento.  Sila ay halintulad ng mga bula,  pagkatapos iboto ay nawawala.  Mga tao ay kanilang lalapitan,  kunwari lang aahon sa kahirapan.  Basta kuha nila ang kapangyarihan,  kanilang pangako ay kakalimutan.

Kaugnayan sa Larawan

Image
 Pangkalahatang Panuto:  1. Basahin at unawaing mabuti ang Alegorya sa Yungib ni Plato.  2. Pumili ng isang paksa / pinapaksa sa binasang sanaysay.  3. Iugnay ang nailing paksa sa grapikong representasyon na nasa itaas.  4. Kinakailangang masakop ng inyong pagpapalinawag ang nais iparating ng sanaysay at ng pinapaksalarawan.  5. Gamitin ang table na nasa ibaba para sa paglalagay ng iyong mga kasagutan. Bahagi ng akdang binasa               " At nasilayan mo rin ba ang mga taong dumadaan sa pagitan ng mga dingding na may dala-dalang mga monumento at larawan ng mga hayop na likha sa kahoy at bato? Ang iba sa kanila ay nagsasalita, ang iba ay tahimik. Naipakita mo sa akin ang kakaiba nilang imahe. Sila nga ay kakaibang mga bilanggo." Pinapaksa sa bahagi na napili sa akdang binasa                 Iba’t ibang ugali, pag-iisip at gawi ng mga bilanggo. Kaugnayan ng larawan sa napiling bahagi                 Sa akin nabasang sanaysay, may bahagi itong tumatak sa isipan k

Pagsasaling Wika (Pagbasa at Pagsulat)

 Review of Related Literature                 The COVID-19 pandemic has created the largest disruption of education systems in human history, affecting nearly 1.6 billion learners in more than 200 countries. Closures of schools, institutions and other learning spaces have impacted more than 94% of the world’s student population. This has brought far-reaching changes in all aspects of our lives. Social distancing and restrictive movement policies have significantly disturbed traditional educational practices. Reopening of schools after relaxation of restriction is another challenge with many new standard operating procedures put in place.                 Within a short span of the COVID-19 pandemic, many researchers have shared their works on teaching and learning in different ways. Several schools, colleges and universities have discontinued face-to-face teachings. There is a fear of losing 2020 academic year or even more in the coming future. The need of the hour is to innova

Pagbibigay Interpretasyon sa Grap, Tsart at Iba Pang Biswal na Pantulong

Image
 Implikasyon ng Pandemya sa Pang-Akademikong Performans ng mga Mag-aaral  Introduksyon                 Edukasyon ay mahalaga sa bawat tao o mag-aaral, ngunit sa pagkakaroon ng pandemya sa panahong ito, madami ang naapektuhan kabilang ang performans ng mga mag-aaral. Dito ay tatalakayin ang kabuuang porsyento ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa bawat asignatura at ang mga salik na nakakaapekto sa kanilang pag-aaral.  Talahanayan Bilang 1                     Makikita sa Pie Chart na ito ang kasarian ng mga kalahok sa pag-aaral tungkol sa Implikasyon ng Pandemya sa Pang-Akademikong Performans ng mga Mag-aaral. Ang mga kalahok na babae ay may bilang na apatnapu’t lima (45) o kalahating bahagdan (50%) at ang mga lalake naman ay apatnapu’t lima (45) din o kalahating bahagdan (50%). Talahanayan Bilang 2                     Maraming kabataan ang natatakot magsalita sa wikang Ingles kung kaya hindi nakapagtataka na English ang may pinakamababa sa mga nasabing asignatura na may 67. 612%. H